Nang Mawala ang Isa't Isa sa Atin




Sa buhay,
nasasaktan tayo
kapag yung inaakala natin
e mali pala.

Kapag tinama ka ng isang tao,
kahit gano man to kasakit,
tanggapin mo.
Kapag pinakita nya sayo
ang kawalang halaga mo,
tanggapin mo at magpasalamat ka.

Masakit man, magpasalamat ka
dahil sa wakas,
binuksan na niya
ang piring sayong mga mata.

Ang piring na matagal ng tumatalukbong
hindi lamang sa mga mata mo
kundi pati na sa isip, puso, at kaluluwa.

Magpasalamat ka
habang tumutulo ang iyong mga luha
Magpasalamat ka
at tanggapin ng buong puso
ang pagkawasak mo.

Sa iyong pagkadurog,
unti unti mong buuhin muli
ang sarili mo na nawala.

Nawala sapagkat inakala mong
ikaw ay kalahati na ng isang kabuuan
ngunit hindi pala.

Hindi mo napansin
na sa paglipas ng panahon,
ikaw na lamang pala ang naiwan.
Nawala na sya.

Akala mo hawak mo ang kamay nya
ngunit ilusyun mo nalang pala ang iyong hawak.
Hindi mo napansin na sa pagdaloy ng tubig,
puro luha mo na pala ang dumadaloy
na pumupuno sa rumaragasang ilog.

Hindi ka pa ba pagod?
Mapagod ka na.
Tumigil ka na.
Magpasalamat ka na.

Unti unti, mamaalam kana.
Alamin at tanggapin
na darating ang panahon,
sisikat ang araw,
ang dati mong kaulayaw
ay wala na
at isa na lamang memorya.

Darating ang araw
ang lahat ay unti unti ng mawawala.
Tulad ng pangako nyang
nawala sa kanyang isipan,
darating ang araw
mawawala ka na rin sa kanya.

Darating ang araw,
hindi na masakit
ang alaala na wala na rin sya sa iyo.

Comments