Handa ka na bang masaktan?


Handa ka na bang masaktan
Handa ka na bang tanggapin na ang pag ibig ay di puro kilig, di puro saya

Handa ka na ba sa mga away
Sa masasakit na salita na susugat sa iyong damdamin
At magiging dahilan ng walang tigil mong pagluha

Handa ka na bang matalo
Hindi dahil ikaw ang nagkamali
Kundi dahil hindi nya matanggap na sya pala ang nasa mali.

Handa ka na ba sa malalamig na tingin
Na tila wala ka na sa kanyang paningin
Handa ka na bang kamay mo ay kanyang bitawan
Hindi dahil ayaw ka na nyang hawakan kundi dahil sya ay labis ng nahihirapan

Kung hindi ka pa handang masaktan
Hindi pa handang di sya mahagkan o mahawakan
Hindi pa handang ikay kanyang basta pakawalan

Pakiusap

Huwag mo ng simulan ang kwentong sa anumang sandali ay pwedeng matuldukan.

Share this:

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!