hindi ako laruan

huwag mo ako himasin
huwag mo ako tingnan
huwag mo ko naisin
hindi ako laruan

huwag mo ko pangakuan
kung sisirain mo lamang ito
huwag mo ko paniwalain
hindi ako laruan

huwag mo ako pitasin
hindi ako bulaklak
baka malanta ako
hindi ako laruan

huwag mo ko paasahin
baka hindi ko kayanin
huwag mo ako saktan
hindi ako laruan

huwag mo ko linlangin
may masasaktang damdamin
huwag mo ko pagtawanan
hindi ako laruan.


* Apologies to my global readers. It was a random thought that passed by in my native tongue.

Share this:

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment