Thursday, May 25, 2023

Tayo


 

Tayo. 


Ang sarap pakinggan.

Parang walang katapusan.


Tayo.

Ikaw at ako. 

Walang kahalo. 

Tayo. 


Ang sarap ipaglaban.

Parang walang kayang humadlang. 


Tayo.

Natapos tayo. 


Ang sakit pala sa pakiramdam.

Akala ko wala tayong katapusan

Bakit mo tinuldukan?


Tayo.

Wala ng tayo.


Hindi mo ko pinaglaban.

Ikaw pala ang hahadlang. 


Tayo. 

Matapos tayo. 

Wala ng tayo.


Babangon ako.

Magmamahal muli ako 

Pero sayo 

Kailanman

Wala ng magmamahal na tulad ko.

1 comment:

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!