Kapag Nakita Mo na Sya by Maimai Cantillano

Kapag nakita mo na siya Wag kang magtaka kung di ka kaagad niya makilala. Kung ano ung naramdaman mong kilig, Baka yun naman ang naramdaman niyang inis. Kung pano mo siya titigan, Baka ganon ka lang din niya lagpasan, baliwalain, at di pansinin. Kung gaano kabilis ang tibok ng puso mo nung makita mo siya, Baka ganon din kabilis ang pag alis niya. At sigurado ako itataboy ka niya palayo Kapag nangyari yun, wag mo sanang isiping wala ng pag asa Siguro, sanay na lang din talaga siyang mag isa At sa hinaba haba ng panahon ng pag iisa niya Iniisip niyang hindi na niya kailangan ng iba Nang isang katulad mo, na maaaring magdala sa kanya sa ibang mundo Marahil ganyan ang turo sa kanya ng buhay at pag ibig Nang damhin ang lahat ng sakit Ang tanggapin ang anumang ibato ng buhay Ang palayain ang lahat ng emosyon hanggang sa wala na siyang muling maramdaman pa Kayat kapag nakita mo na siya Hindi na siya naniniwala sa paghiling sa mga bulalakaw Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at mga bituin Basta kung ano mang pwersa ng uniberso na maaaring magtulak  sakanya patungo sayo Di na siya naniniwala Sa anumang salita na nilikha  ng pag ibig Hindi na siya naniniwala sa pag ibig Kapag nakita mo na siya Baka ang tanging papel na lamang ng puso niya ay ang panatilihin siyang buhay Baka tumitibok na lamang ito upang padaluyon ang dugo sa katawan niya Dahil kapag nakita mo na siya Hindi na niya alam ang pakiramdam ng magmahal at ng mahalin Ng arugain at yakapin Ngunit wag kang mag alala Dahil mukha lang naman ng pag ibig ang nakalimutan niya At ipaalala mo ito sa kanya Wag kang magsasawang ipaalala sa kanya kung gaano siya kaganda Wag kang titigil sabihin sa kanyang mahal mo siya Ngayon sa bawat pag banggit mo sa salitang mahal kita Ay pait at sakit ang naalala niya Wag kang titigil na sabihin ito sa kanya Hanggang sa maalala niya na sa likod ng bawat pait, ay may tamis Sa likod ng bawat sakit ay may ligayang dulot ng mga salitang mahal kita At kung saktan ka man ng mga salita niya Gantihan mo ito ng yakap Kung magpumiglas siya hatakin mo siya pabalik at yakapin ulit Kung paulit ulit siyang umalis Paulit ulit mo rin siyang habulin Kung paulit ulit siyang bumitaw Paulit ulit mo rin siyang hawakan Pakiusap Wag na wag mo siyang bibitawan Wag na wag mo siyang pakakawalan Ipaalala mo sakanya Na minsan rin siyang naniwala sa paghiling sa mga bulalakaw Na minsan rin siyang namangha sa mahika ng buwan at mga bituin Na minsan rin siyang naniwala sa mga salitang nilikha ng pag ibig Na minsan rin siyang naniwala sa pag ibig Ipakita mo sakanya ang bagong mukha ng pag ibig Pakiusap Wag na wag mo siyang susukuan Hanggang sa maisip niya Na ang pag iisa ay mayroon ding hangganan


Share this:

,

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!