hanggang dito na lang

Mahal na kita
Hindi ko alam bakit
pano
kelan
saan
Basta nagising ako isang araw
Mahal na kita.

Naglakad ako papalapit sayo
Dahan dahan
Unti unti
Hindi mo naramdaman
pero ramdam na ramdam ko
Mahal na kita

Andun ako
Gustuhin mo man o hindi
Nasa tabi mo
Kailangan mo man o hindi
Handa para sa kahit ano
Kahit ano pa man ang mangyari

Bumitaw ako sandali
Hindi ko sinasadya
ngunit nasaktan kita
nasaktan mo rin naman ako
pero higit na nasaktan kita

Bumitaw ka.

Mahal na kita
Kaso hanggang dito na lang
Kasi habang naglalakad ako patungo sayo
Naglalakad ka naman papalayo sa akin.

Mahal na kita
at mamahalin pa rin kita
pero hanggang dito na lang.

Share this:

,

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!