minahal ka nya ...

Minahal ka nya 

sa paraang alam nya 
sa paraang kaya nya 
sa paraang naayon sa puso at pananaw nya. 

Minahal ka nya 
tulad ng pagmamahal ng araw sa buwan 
hindi man nagkikita
nandun ang pagpapahalaga 

Minahal ka nya
tulad ng titik at awit 
hindi man lagi magkasam
ngunit napakagandang pakinggan pag nagtugma 

Minahal ka nya 
tulad ng mga bituin sa langit 
hindi man lagi nagpapakita
ngunit andyan kapag madilim na ang iyong paligid.

Minahal ka nya 
hindi totoong hindi ka nya minahal 
minahal ka nya 
sa paraang alam nya 
sa paraang kaya nya
sa paraang naayon sa puso at pananaw nya
ngunti hindi sa paraang nais mo. 

Minahal ka nya 
ngunit minahal ka nya 
bilang isang kaibigan lamang. 

Share this:

,

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!