Ginuhit


Ginuhit kita sa aking isipan
Bawat dampi ng iyong kamay
Bawat bulong mula sa iyong labi
Bawat alalang binuo nating dalawa.

Iginuhit ko ito sa aking isipan
Hindi ko napansin
Iginuguhit na rin pala kita
Sa bawat sulok ng aking puso.

Iginuhit mo rin ako
Sa iyong mundo na magulo't maingay
Sa iyong mundo na puno ng iba't ibang kaganapan
Iginuhit mo ako at isinama

Iginuhit mo ko at iginuhit kita
Hindi ko napansin
Iginuguhit mo ko gamit ang lapis
Iginuhit kita gamit ang tinta

Akala ko akin ka na
Ngunit hindi pala
Iginuhit kita at ngayon
Buburahin na kita.

Share this:

,

CONVERSATION

1 comments:

  1. Hi Ms. Kath! Just dropping by on your blog. :) So many posts to read! hehe see you soon! love, Tesle

    ReplyDelete

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!