naiisip mo ba ako

Naiisip mo ba ako
Sa mga sandaling
Kaliwa't kanan ang iyong ginagawa?

Naiisip mo ba ako
Sa mga panahong
Hindi tayo nagkikita?

Naiisip mo ba ako
Kapag kasama mo ay sya
Sa mga sulyap at ngiti nya
Ako ba ang ang iyong nakikita?

Naiisip mo ba ako
Sa tuwing naiisip kita
O naiisip mo lang ako
Kapag ikay napapag-isa na?


Share this:

,

CONVERSATION

1 comments:

  1. Reading this you must be really missing someone. Your emotion is felt through the words you used to create this poem. I hope you have hugged the person you are missing.

    ReplyDelete

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!