Itutuloy ko na ba?

Sapat na ba
Dapat ba
Kailan pa
Itutuloy ko ba

Ang daming katanungan
Tila walang kasagutan

May kasagutan ngunit salungat sa aking pinaniniwalaan
May kasagutan ngunit unti unti ako nitong sinasaktan

Dapat ba
Kailan pa
Itutuloy ko ba

Mga katanungang binubuo ng aking nararamdaman
Susugal ba akong muli
Pano kung dala nito'y pighati
Susugal ba akong muli
Kahit di ko alam saan ang tungo
ng bawat sandali

Kailan pa
Itutuloy ko ba

Handa na ba akong lumaban
Handa ka ba na ako'y ipaglaban
Kaya ko na ba muling masaktan
Gaano mo ako sasaktan

Itutuloy ko ba

Lalaban ako kung ipaglalaban mo ako
Susugod ako kung kamay ko'y hawak mo
Maghahanda ako kung sa bawat gyerang papasukin ko
Andyan ka lamang sa tabi ko

Sagutin mo ang tanong ko
Itutuloy ko na ba?


Share this:

, ,

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!