Iiwan na Kita

Iiwan na kita. 
Magpapaalam na ako. 
Hindi ko na kayang mahalin ka. 
Hindi ko na kayang magtiis pa. 
Wala na akong maibibigay pa. 
Ubos na ubos na ako. 
Naibigay ko na lahat sayo.

Iiwan na kita. 
Hindi naman ako nararapat rito. 
Hindi ako dapat nasa tabi mo. 
Hindi ako dapat ang kaulayaw mo. 
Hindi ako sya. 
Hindi sya ako. 
Wala ng ako. 
Kinuha mo na lahat ng ano mang meron ako.

Iiwan na kita. 
Salamat sa mga alaala. 
Salamat sa mga ngiti at oras. 
Salamat sa mga hiram na sandaling malamig na pinainit mo. 
Salamat sa ligaya at halik mo.

Iiwan na kita. 
Tatapusin ko na ang ating kwento. 
Tutuldukan ko na ang ating istorya. 
Puputulin ko na ang ating kanta. 
Maglalaho na akong parang bula.


Iiwan na kita. 
Alam ko naman na pwedeng pwede na kitang iwan. 
Hindi mo ako hahanapin. Hindi mo ako aalalahanin. 
Hindi mo ko pipigilin. 
Kaya iiwan na kita. 

For the spoken poetry version, go here

Share this:

, ,

COMMENTS

0 comments:

Post a Comment