Thursday, July 17, 2008

just some random thoughts

Sino ba ang nagsabing madaling maintindihan ang isang tao? Mahirap.

Alam mo hanggang ngayon marami pa rin akong hindi maintindihan.

Mahirap ipaliwanag kung bakit kailangan mong ngumiti kahit umiiyak ka na pala.

Kahit takot na takot ka, sasabihin mo pa rin na matapang ka.

Pinapakita mo na masaya ka pero ang totoo hindi mo na alam kung papaano maging masaya.

Pinapakita mo na kaya mong mag-isa, kumpleto ka, kahit alam mo sa puso mo na kulang, may kawalan.

Kung minsan ganyan ang tao.

Sinasadya man o hindi, hindi lahat ng pinapakita, TOTOO.

2 comments:

  1. Minsan talaga kailangan itago ang totoong nararamdaman para na din maiwasan ang tanong tanong ng mga tao ngunit pag nagiisa, lumalabas ang totoo.

    ReplyDelete
  2. Minsan naman kelangan mong itago yung nararamdaman mo para di ka masaktan. Self preservation.

    ReplyDelete

Hi! Let's all try to add more positivity in this world and adhere to the saying, "if you don't have anything nice to say, keep silent."

Showering you with unicorn poop so you'd always stay magical! Heart heart!